Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan, ano ang gusto mo at bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan, ano ang gusto mo at bakit?

Sagot verified answer sagot

Ang bawat isa sa atin ay minsan ding nangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Kaya kung ako man ay bibigyan ng kapangyarihan nais kong magtaglay ng kapangyarihang kayang maibalik sa ayos ang lahat.

Ito ang nais ko sapagkat nais kong muling buuin ang mga bagay na nasira ng hindi inaasahan o sinasadya na nakapagdudulot ng sakit, lungkot, pighati, at pagkabalisa sa isang tao.

Nais ko ring taglayin ito upang maibalik ang ating mundo sa dati. Doon sa panahon kung saan ligtas ang lahat sa tuwing lalabas, panahon na malaya tayong nayayakap at nalalapitan ang mga taong mahalaga sa atin, panahon na kaya nating harapin ang bawat bukas ng walang takot na nararamadaam, doon sa panahon na ligtas tayo bilang isang tao o mamamayan para sa ating kapwa.