Kung ikaw si Noel ano ang mga hakbang na gagawin upang maipaglaban ang iyong karapatan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

kung ikaw si noel ano ang mga hakbang na gagawin upang maipaglaban ang iyong karapatan?

Sagot verified answer sagot

Kung ako si Noel, maipagtatanggol o maipaglalaban ko ang aking karapatan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng tama at pagpapaliwanag ng mga nakasaad sa kwalipikasyon ng paaralan ng may paggalang at mahinahon na pananalita.

Ang isang sitwasyon tulad ng nabanggit ay malimit maranasan ng mga indibidwal hindi lamang sa pagpasok sa unibersidad ngunit maging sa iba pang mga bagay, subalit ito ay hindi nangangahulugan na dapat na lamang tanggapin o di naman kaya ay idaan sa pagtataas ng boses ang pagpapaliwanag ng saloobin.

Ang bawat isa ay mayroong karapatan. Karapatan na kapag batid mong tama ay tunay na iyong ipaglalaban. Subalit ang pagtatanggol sa iyong karapatan ay dapat na kinapapalooban ng paggalang upang sa gayon ay maiwasan ang pagtatalo.