Kung ikaw si Thor ano ang iyong nararamdaman?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

kung ikaw si thor ano ang iyong nararamdaman?

Sagot verified answer sagot

Kung ako si Thor, ang aking mararamdaman ay malulungkot. Sa akdang Si Thor at Loki na kung saan nagtungo ang mga tauhan sa Utgaro o lugar ng mga higante upang makipaglaban sa pinuno ng mga higante ay nakaranas ng pagkabigo o pagkatalo sa iba’t ibang paligasahang ginanap.

Subalit, sa likod ng pagkatalong ito, inamin ng pinuno ng mga higante ang ginamit niyang paraan upang matalo si Thor.

Sa kasamaang palad, ang pamamaraang ito ay hindi patas sapagkat hindi lamang lakas ang ginamit kundi mahika. Kung kaya naman ay kalungkutan ang nanaig na damdamin sapagkat ang katunggali ay hindi lumaban ng patas.