Katanungan
kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit ano kaya ang layunin na ito?
Sagot
Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ang magiging layunin nito ay mahubog ang kakayahan at matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan sa lipunan.
Ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang sektor na may kani-kanyang papel na ginagampanan.
Mula sa mga ito ay ang pamahalaan na siyang nangangalaga sa kapayapaan maging sa kaayusan ng lahat; simbahan responsible sa pagkahubog ng ispiritwal na aspeto; pamilya siyang maituturing na pinakamaliit na yunit; paaralan na humuhubog sa asal at tumutulong na malinang ang kaalaman ng bawat isa; at ang negosyo na nagpapatakbo sa aspetong pangkabuhayan ng mga tao.
Gayunman, kung ang mga sektor na ito ay magkakaroon ng iisang layunin, ang mahubog ang bawat mamamayan upang maging responsableng mamamayan at ang pagtugon sa bawat pangangailangan ang siyang pinakamainam na pagtuunan sapagkat ito ay makabubuti para sa lahat.