Katanungan
lider ng samahang gerilya sa panay?
Sagot
So Tomas Confesor ang itinuturong lider ng samahang gerilya sa isla ng Panay noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa ating bansang Pilipinas.
Matatagpuan ang isla ng Panay sa rehiyon ng Visayas. Siya ay ang nakatalagang gobernador ng Iloilo at hepe ng NCA o National Cooperatives Association noong umatake at lumusob ang mga Hapones sa bansa.
Nasa Maynila noon si Confesor at siya ay dali-daling tahimik na nagtungo sa Panay. Kasama ang kanyang pamilya at ilan sa kanyang mga mamamayan at sandatahang lakas, sila ay umakyat ng bundok upang makaligtas sa digmaan. Doon siya ay tumulong sa mga gerilya upang sugpuin ang mga Hapones.