Lokasyon ng kabihasnang Olmec?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

lokasyon ng kabihasnang olmec?

Sagot verified answer sagot

Ang kauna-unahang kabihasnang sumulpot sa Mesoamerika, o Gitnang Amerika na ngayon, ay ang kabihasnang Olmec. Ang ibig sabihin ng Olmec sa wikang Ingles ay “rubber people”.

Sila ang nakatuklas na ang dagta ng isang punong goma, o rubber tree, ay maaaring magamit bilang goma na kasangkapan sa mga kabahayan at iba pang larangan.

Ang Kabihasnang Olmec ay napapalibutan ng anyong tubig na Gulf of Mexico. Ayon sa mga dalubhasa, isa ang kabihasnan na ito sa mga sibilisasyong naitatag na walang impluwensiyang banyaga o mga tao mula sa labas o ibang pamayanan. Likas na magaling ang mga tao sa kabihasnang Olmec sa paggawa ng mga kasangkapan at mga kagamitan.