Lugar na pinagdausan ng kauna unahang misa?

Katanungan

lugar na pinagdausan ng kauna unahang misa?

Sagot verified answer sagot

Ang kauna-unahang misa na ginawa sa ating bansang Pilipinas ay sa isla ng Limasawa, parte ng timog na bahagi ng Leyte.

Ang sinasabing misa ay naganap noong Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday noong taong 1521, ika-31 ng buwang Marso.

Pinangunahan ni Padre Pedro de Valderrama ang misa na iyon. Si Padre Valderrama ay kasamahaan ni Ferdinand Magellan, na siyang isa sa mga naunang dayuhang umapak sa ating bansa.

Si Magellan at Padre Valderrama ay galing sa bansang Espanya. Isa sa mga layunin ng kanilang ekspedisyon ay ang maipalaganap ang Kristiyanismo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kristiyanismo ang relihiyon kaya nagkaroon ng misa.