Lugar sa disyerto na may tubig at halaman

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang lugar sa disyerto na may tubig at halaman? 😮

Sagot verified answer sagot

Lugar sa disyerto na may tubig at halamanAng lugar sa disyerto na mayroong tubig at halaman ay tinatawag na oasis. Sa lugar na ito ng disyerto, sinasabing mataba ang lupa dahil natutubigan at kaya ring bumuhay ng ilang uri ng hayop.

Ang oasis ang nagpapatunay na kahit ang mainit at puro buhangin na anyong lupa ay mayroon ding bahagi na pagkukuhanan ng tubig.

Mahalaga ang oasis dahil ito ay isang anyong tubig na nagbibigay ng tubig tabang. Ito ay nagagamit ng sinumang naglalakbay sa disyerto, kabilang ang mga hayop, upang magkaroon ng malinis na tubig na inumin o liguan. Biyaya itong maituturing dahil sa suplay ng tubig na dala nito.