Lumikha ng tula na naghahambing sa una at ikalawang bilang ng konseptong pangwika?

Katanungan Sagot

Katanungan

lumikha ng tula na naghahambing sa una at ikalawang bilang ng konseptong pangwika?

Sagot verified answer sagot

Wikang binhi sa atin

Wikang kinamulatan
Aking unang natutunan
Mula sa mga magulang
Itinuro sa hustong gulang
Gamit sa talastasan
Hatid ay kaunawaan
Itong unang wika
Siyang unang aking sinalita.

Nang ako’y namulat
Nais mangalap ng ulat
Humakbang palayo
Upang ako’y makalayo
Pagkat ang nais ko
Bagong pagkatuto
Mula sa mundong kinagisnan
Tungo sa bagong kabihasnan.

Sa paglalakbay na ito
Aking napagtanto
Wika ko’y kaiba
Sa dayalektong salita niyo
Nais unamawain
Upang aking magamit din
Maunawaan kayo
Mapabatid ang ideya ko.

Diwa ko’y nagising
Sa kakaibang hinaing
Mundong kinamulatan
Unang wika ang ngalan
Wikang aking natutunan
Ikalawang wika ang katawagan
Magkaibang mga uri
Iisa ang siyang mithi

Ito ang wikang binhi sa atin.