Maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino kung?

Katanungan

maaaring mawala ang pagkamamamayang pilipino kung?

Sagot verified answer sagot

Maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino sa mga sumususnod na dahilan: una, kung ang indibidwal ay piniling maging mamamayang naturalisado ng ibang teritoryo o bansa.

Ikalawa, kung ang indibidwal ay nagbibigay serbisyo sa sandatahang lakas ng ibang teritoryo o bansa.

Ikatlo, kung ang isang indibidwal na nasa edad na 21 taong gulang ay nanumpa ng kanyang katapatan sa saligang batas ng ibang teritoryo o bansa.

Ikaapat, kung ang indibidwal ay kusang loob na pinawalang bisa ang kanyang pagka-Pilipino.

Ikalima, kung ang indibidwal sa oras ng digmaan ay nagbigay katapatan sa kalabang bansa.

Ikaanim, kung ang indibidwal ay kusang itinakwil ang kanyang pagka-Pilipino upang yakapin ang iba.