Katanungan
mabisa bang gabay ang iyong konsensya ipaliwanag?
Sagot
Oo, mabisa itong gabay upang malaman at mapagdesisyunan ng mga tao ang kanilang gagawin bago ito ikilos. Dahil sa ating mga konsensiya, maiisip natin kung maayos o masama ba ang ating intensyon sa mga tao.
Halimbawa na lamang kung magsasalita tayo sa ating kapwa na hindi maganda, ngunit papasok bigla ang ating konsensiya kung itutuloy ba natin ito dahil maaari itong makapanira o makasakit ng kaniyang damdamin.
Kung hindi naman maayos o malinis ang iyong konsensiya, magagawa mo pa rin ang mga hindi kanais nais na bagay sa iyong kapwa tulad ng pagsasalita ng mga masasakit o kaya gawan nang masamang mga kilos.