Katanungan
mag isip ng mga hakbang upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon?
Sagot
Ang bawat tao ay nakakaranas ng iba’t-ibang emosyon. Halimbawa nalaang ay ligaya, hinagpis, galit, at marami pang iba.
Kapag ang isang indibidwal ay hindi kontrolado ang kanyang emosyon, maaari itong ikasira ng kapayapaan sa lipunan o maging sa sarili lamang niya.
Kaya naman ito ang ilang hakbang upang mapamahalaan ng wasto ang mga emosyon:
1. Huwag magpapadala sa emosyon. Huminga ng malalim.
2. Mag-isip muna bago pairalin ang emosyon.
3. Huwag ibuntong ang emosyon sa tao o hayop upang walang mapahamak.
4. Makipag-usap sa kaibigan o kung sino man upang hindi lumala ang emosyong nararamdaman.
5. Uminom ng maraming tubig.