Katanungan
magandang uri ng bato na namimina sa romblon?
Sagot
Tinatawag na marmol, o sa wikang Ingles ay marble, ang magandang uri ng bato na pangunahing namimina sa Romblon.
Ang lalawigan ng Romblon ay matatagpuan sa timog Katagalugan, partikular na sa rehiyon 4B. Ito ay isang isla na napapalibutan ng malalawak na mga anyong tubig.
Ang mga marmol ay may iba’t-ibang uri batay sa kanilang laki at kulay. May mga kulay puti, pula, rosas, itim, asul, berde, at minsan ay halo-halo pa.
Maraming mga alahas at iba pang kagamitan sa bahay ang nagagawa sa marmol. Sa katunayan, ito ay isang sikat na materyales sa paggawa ng mga sahig at pader sa isang kabahayan.