Magbigay ng 3 pamagat ng pabula?

Katanungan

magbigay ng 3 pamagat ng pabula?

Sagot verified answer sagot

Ang tatlong pamagat ng pabula ay Si Langgam at si Tipaklong, Ang Aso at ang Uwak, at Ang Daga at ang Leon.

Ang pabula ay isang klase ng kwentong pampanitikan na hango sa kathang-isip dahil ang mga karakter na itinatampok dito ay mga hayop, halaman, at bagay na nagsasalita subalit nakapagbibigay ng aral sa mga mambabasa.

Ang ganitong uri ng babasahin ay mahalaga sapagkat napalalawak nito ng talasalitaan ng mambabasa partkular na ng mga bata, nakahihikayat ito upang mahalin ang pagbabasa, nakatutulong na malinang ang kakayahang magsalita ng matatalinhaga ang mambabasa, at ang pinakamahalaga ay kapupulutan ito ng iba’t ibang aral.