Magbigay ng ilang mga epekto ng globalisasyon at ipaliwanag ang mga ito?

Katanungan

magbigay ng ilang mga epekto ng globalisasyon at ipaliwanag ang mga ito?

Sagot verified answer sagot

Ilan sa mga epekto ng globalisasyon ay una, ang pagdami ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa na bunsod ng kalakalang malaya.

Ang pagdami ng kanilang bilang ay nakatutulong sa pagpaapsigla ng ekonomiya ng bansa dahil sa hatid nitong trabaho para sa mga mamamayan.

Ikalawa, interaksyon sa pagitan ng mga kultura kung saan ang bawat isa ay nabibigyan ng oportunidad na makilala ang kulturang kinagisnan ng iba sa pamamagitan ng pakikinig at panonood. Isa sa sanhi nito ang pag-unlad ng teknolohiya sa bansa.

Ikatlo, pagbilis ng komunikasyon kung saan sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma sa tulong ng teknolohiya napabibilis ang pagpapalitan o pakikipag-ugnayan ng mga indibdiwal sa loob o labas man ng bansa.