Katanungan
magbigay ng mga angkop na kilos na nagpapakita ng pagtutulungan sa pamilya?
Sagot
Unang porma ng pagtutulungan sa pamilya ay tanungin sila sa kanilang nararamdaman o kumustahin sa kanilang mga ikinakaharap araw araw sa paaralan man o sa trabaho.
Sa ganitong paraan, maaaring matulungan mo silang maibsan ang kanilang bigat na nararamdaman o kaya sa simpleng pagtanong lamang sa kanila ay makatutulong at malalaman nila na may kasangga sila sa kanilang buhay.
Ang pangawalang porma naman ay pwede rin tumulong sa mga gawaing bahay at tulungan ang iyong ina na mag linis ng bahay, sa pamamagitan nito ay mababawasan na rin ang pagod at bigat ng iba pang gawain ng iyong mga magulang.