Magbigay ng mga dapat tandaan upang maiwasan ang sakuna sa paglalaro?

Katanungan Sagot

Katanungan

magbigay ng mga dapat tandaan upang maiwasan ang sakuna sa paglalaro?

Sagot verified answer sagot

Ang paglalaro o anumang pisikal na aktibidad ay maaring magdulot ng sakuna, panganib o pinsala sa ating katawan o kalusugan.

Ngunit may mga ilang bagay tayo na maaaring gawin upang mapigilan ang ganitong mga pinsala. Una, maaari tayong mag-stretching upang maging handa ang ating katawan sa laro o aktibidad na ating gagawin.

Ikalawa, panatilihin nating malakas ang ating resistensya o kalusugan sa pamamagitan ng regular na ehersisyo at pagkain nang wasto.

Pangatlong dapat nating ikonsidera sa paglalaro ay ang panahon. Iwasang maglaro sa napakainit na pahanon at iwasan din ang maglaro sa maulan at madulas na panahon.

Ikahuli, matutong sumunod sa patakaran at iwasan ang anumang gulo na maaaring pagmulan ng away sa isang aktibidad.