Magbigay ng mga paraan kung paano pahalagahan ang wikang pambansa

Katanungan Sagot

Katanungan

Magbigay ng mga paraan kung paano pahalagahan ang wikang pambansa

Sagot verified answer sagot

Magbigay ng mga paraan kung paano pahalagahan ang wikang pambansaMay iba’t ibang paraan upang mapangalagaan at mapahalagahan ang wikang pambansa na wikang Filipino.

Una, palagiang gamitin ang wikang ito at maging prayoridad kaysa anumang wika. Maraming Pilipino ang ipinagsasawalang bahala ang pag-aaral ng wikang ito dahil sinasalita naman daw lagi.

Ngunit ang hindi nila alam, marami pang dapat tuklasin tungkol sa ortograpiya at sa balarilang Filipino. Kung minsan, mas komplikado pa nga ito sa mga alituntunin ng ibang wika.


Ikalawa, ipaglaban lagi ang wika sa mga nais itong patayin. Kung minsan, hindi nabibigyan ng halaga ang wika lalo na ng mga nasa posisyon.

Kaya naman ang pagpaparating ng ating boses tungkol sa wikang pambansa ay isang mabisang paraan. At panghuli, hikayatin ang mga kakilala na gamitin ang wikang ito.