Magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid na hindi mabubuhay ang pagibig kung walang tiwala?

Katanungan

magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag ni cupid na hindi mabubuhay ang pagibig kung walang tiwala?

Sagot verified answer sagot

Ang pahayag ni Cupid na “hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala” ay may bahid ng katotohanan dahil kaakibat ng pagmamahal ang pagbibigay ng tiwala.

Ang tiwala ang nagsisilbing pinakamalalim na pundasyon ng pag-ibig dahil sa tulong nito ay nabubuksan moa ng iyong sarili para sa iyong kapwa.

Ang pagbibigay ng tiwala ay nangangahulugan ng respeto at seguridad sa isang relasyon sapagkat batid mong aalagaan at poprotektahan ka ng taong iyong pinili.

Mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sap ag-ibig dahil ito ang magsisilbing kapayapaan sa inyong pagsasama na siya ring magpapalalim sa samahan sapagkat ang pagmamahal ay walang bahid ng pagkukunwari at pagsisinungaling.