Katanungan
Maglista ng mga salitang naglalarawan sa heograpiya
Sagot
Ang ilan sa mga salitang naglalarawan sa heograpiya ay:
kalupaan – ang lupa ang unang pinag-aaralan sa heograpiya. Inaalam dito kung nasaan ang kalupaan o teritoryo ng isang lugar, kung anong uri ba ng lupain ito, at kung ano ang lokasyon ng lupaing ito.
Lokasyon – kung heograpiya ang pag-uusapan, hindi maaaring hindi banggitin ang lokasyon. Ang lokasyon kasi ang pangunahing dahilan kung bakit natuklasan ang pag-aaral ng heograpiya. Tinukoy nito ang laki, sukat ng mundo at ang lokasyon ng iba’t ibang lugar.
Sistemang grid – ang heograpiya rin ay kasama ang pag-aaral ng sistemang grid. Ang sistemang grid ay ang paggamit ng imahinasyong linya sa pagtukoy ng lokasyon ng mga bansa sa mundo.