Namulat sa kahirapan ang batang si Pikoy. Dahil sa pagiging isang kahig, isang tuka, halos hindi na naranasan pa ni Pikoy ang pagiging musmos.
Sa bahay nila, madalas na magtalo at mag-away ang kaniyang mga magulang dahil sa salapi. Lagi ring nababanggit sa tuwang magtatalo ang ama’t ina niya ang kaniyang lola. Inaalala nila ang gagastusin sakaling mamatay na ito.
Alaga rin ni Pikoy ang kaniyang batang kapatid na may cerebral palsy. Dumagdag pa sa kanyang intindihin ang kaniyang kuya na nawalang ng scholarship kaya kailangan niyang kumayod para sa pamilya.
Katuwang ang mga kaibigan, pinasok ni Pikoy ang ilang trabaho upang mapag-ipunan ang pagpapagawa ng kabaong ng kaniyang lola. Nagbenta sila ng inuming palamig sa piyesta upang magkaroon ng pambili ng materyales.
Hindi naman nabigo si Pikoy at nakaipon naman ng sapat na pera para sa kaniyang minamahal na lola.
Nang mabili ang materyales, nagpatulong si Pikoy sa kaniyang pamilya na gawin ang kabaong. Tinulungan naman siya ng mga ito at kalaunan ay natapos din ang ginagawang ataul.
Gayunman, hindi pala ang kaniyang lola ang gagamit ng kabaong. Nasagasaan si Pikoy ng bus dahil hindi niya ito napansin sa kaniyang pagtawid.
Si Pikoy pala ang gagamit ng sariling kabaong na kaniyang pinag-ipunan na ikinalungkot naman ng mga tao sa paligid niya dahil mabuting bata si Pikoy.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Magnifico. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!