Magsaliksik ng iba pang ahensya ng pamahalaan na makakatulong upang maging matagumpay ang negosyo?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

magsaliksik ng iba pang ahensya ng pamahalaan na makakatulong upang maging matagumpay ang negosyo?

Sagot verified answer sagot

Ang iba’t ibang ahensiya ay may kakayahang tumulong upang mapaunlad ang isang negosyo na nasa loob ng bansa.

Ilan sa mga ahensiyang makatutulong dito ay ang mga sumusunod: ang BIR o Bureau of Internal Revenue na ang tulong na maibibigay ay ang pagpapataw at pangongolekta ng mga kaukulang buwis ayon sa laki at kita ng isang negosyo.

Ang Social Security System o SSS na siyang nagbibigay ng mga bayad sa seguro ng mga manggagawa. Ang Department of Labor and Employment o DOLE na siyang pumuprotekta sa bawat karapatan ng mga mangagawa.

Ang Department of Trade and Industry o DTI na siyang nagbubukas ng oportunidad sa mga mamumuhunan sa usaping pakikipagkalakan. At ang Philippine Economic Zone o PEZA na siyang tumutulong upang makahikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.