Mahalaga ang ingles sa ofw dahil?

Katanungan Sagot

Katanungan

mahalaga ang ingles sa ofw dahil?

Sagot verified answer sagot

OFW o Overseas Filipino Workers ang tawag sa ating mga kababayan na nakikipagsapalaran sa karatig o mas malayo pang mga bansa. Importante na matutunan nila ang wikang Ingles dahil ito ang lengguahe na pangkaraniwang ginagamit sa buong mundo.

Ang wikang Ingles ay binansagang international language. Tinatayang mahigit dalawampung porsyento ng populasyon sa buong mundo ay nakakapagsalita at nakakaintindi ng wikang Ingles.

Sa pamamagitan ng wikang Ingles, mas mapapadali ang trabaho ng mga OFW. Mas marami rin silang hanapbuhay na makikita, at posibleng mas malayo ang kanilang mararating. Wikang Ingles ang kanilang magiging tulay at daan sa marangyang buhay na kanilang inaasam.