Mahalaga ba ang partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng pagtataya ng peligro?

Katanungan Sagot

Katanungan

mahalaga ba ang partisipasyon ng mga mamamayan sa peligro?

Sagot verified answer sagot

Mahalagang tunay ang partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng pagtataya ng peligro. Ang pagtataya ng peligro ay isang pagsisiyasat ng barangay o ng lokal na siyudad tungkol sa mga kapanganiban at risko na maaaring mangyari sa kanilang lugar.

Sa pamamagitan ng paggawa ng pagtataya ng peligro ay maaaring maagapan ang kahit anumang panganib o pinsala na darating sa lugar.

Kabilang na dito ang mga hindi inaasahang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pang unos.

Tanging ang mga mamamayan lang ang makakatulong rito sapagkat sila ang nakatira sa lugar. Sila ang may alam sa mga pangyayari o anumang posibleng mangyari.