Katanungan
mahalaga ba na suriin muna ang iyong sarili bago gumawa ng isang pasya?
Sagot
Oo, mahalaga na suriin muna ang sarili bago gumawa ng isang pasya sapagat makatutulong ito upang makagawa ng isang desisyon na makatwiran.
Ang pagpapasya ay tumutukoy sa paggawa ng isang makabuluhang desisyon na kinakailangang gamitan ng matalinong pag-iisip upang sa gayon ay masiguro na ang desisyong gagawin ay makabubuti hindi lamang sa mga piling indibidwal kundi ng lahat.
Kung kaya naman ang pagsusuri sa sarili upang masiguro na hindi lamang damdamin o emosyon ang pinaiiral ay isang napakahalagang hakbang upang maiwasan ang hindi patas na pasya. Ang pagpapasya ay nakapagdudulot ng mabuting epekto sa samahan partikular na sa pagtugon sa iba’t ibang suliranin.