Mahalaga sa mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak dahil

Katanungan Sagot

Katanungan

Mahalaga sa mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak dahil…

Sagot verified answer sagot

Mahalaga sa mga magulang na mapag aral ang kanilang mga anak dahilAng kahalagahan ng edukasyon ay isang paniniwala na naisalin na sa maraming henerasyon sa bawat pamilyang Pilipino. Ang pag-aaral ay ang natatanging nakikitang lunas sa maraming problema, partikular na sa pag-ahon sa hirap.

Ayon nga sa maraming nakakatanda, ang edukasyon ay kayamanan at ito ang pinakamahalagang maipapamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Kaya naman lubos na napakahalaga sa mga magulang na mapag-aral at maitaguyod ang pagtatapos ng kanilang mga anak dahil ito lamang ang makakatulong sa kanila upang makamtan ang mga pangarap at mithiin sa buhay. Edukasyon ang susi sa kaunlaran, itong paniniwalang ito ang pinanghahawakaan ng mga magulang.