Katanungan
mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda?
Sagot
Ito ay ang sanggunian. Ang sanggunian ay mahalaga dahil dito makikita kung saan nanggaling ang mga kinuhang reperensya o pinagkuhaang impormasyon ng mga nagsulat ng bagong akda.
Sa pamamagitan nito, nagbibigay na rin itong respeto sa may orihinal na gawain at upang bigyang pagkakakilanlan ang talino, oras, at iba pang nilaan ng may orihinal na akda nito.
Halimbawa na lamang ang isang mag aaral na gumawa ng kaniyang proyekto para sa “research subject”, kailangan niya ilagay ang mga sanggunian doon upang matukoy kung saan niya nakuha ang impormasyon na kaniyang ginamit.
Bukod pa rito, isa rin itong porma para hindi labagin ang “intellectual property rights”.