Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay…

Katanungan Sagot

Katanungan

Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay…

Sagot verified answer sagot

Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay...Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay magsisilbing mabisang daan ng komunikasyon ng mga tao sa Pilipinas.

Bilang isang arkipelago kasi, ang Pilipinas ay nahahati sa magkakahiwalay na pulo. Ang mga mamamayan sa mga pulong ito, maging sa mga lugar na magkakadikit lamang, ay mayroong iba-ibang wikang sinasalita.

Kung iba-iba ang wika ng mga tao sa isang bansa, malabo silang magkaunawaan at maaaring makaapekto ito sa maraming aspekto ng bansa, lalo na ang ekonomiya.

Kaya naman upang magkaroon ng iisang inang wika ang Pilipinas na maraming wikang sinasalita, itinalaga ang wikang pambansa na Filipino. Bawat paaralan ay kinakailangan itong pag-aralan upang maging sanay ang bawat isa sa paggamit nito.