Mahalagang matutuhan ang pagkakaroon ng tiyak na kaalaman tungkol sa panitikang Asyano sapagkat…

Katanungan Sagot

Katanungan

Mahalagang matutuhan ang pagkakaroon ng tiyak na kaalaman tungkol sa panitikang Asyano sapagkat…

Sagot verified answer sagot

Mahalagang matutuhan ang pagkakaroon ng tiyak na kaalaman tungkol sa panitikang Asyano sapagkat...Mahalaga ang matutuhan ang pagkakaroon ng kaalamang tiyak patungkol sa panitikan ng mga Asyano dahil malaking bahagi ng panitikan ng mundo ay nakaangkla sa panitikan ng Asya.

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo at ang malawak na sakop ng mga bansa ng kontinenteng ito ay naglalaman ng malawak din na ambag sa panitikan ng mundo.

Nariyan ang mga Tsino, Koreano, at Hapones na napakaraming ambag sa larangan ng panulat, paglilimbag, at pagbasa sa buong mundo.

Nariyan din ang tala ng kasaysayan ng iba’t ibang bansa sa Asya tulad ng Pilipinas, Vietnam, India, at mga bansa sa Gitnang Silangan na pinag-aaralan hanggang sa kasalukuyan ng mga mag-aaral dahil sa halaga at aral ng mga ito.