Malaking bahagi ng panitikang Pilipino ang mga kuwentong pag-ibig. Naipakikita nito ang kultura ng mga Pinoy na handang magbigay ng pagmamahal sa taong mahalaga sa kanila, lalo na ang kanilang mga kabiyak at kasintahan. Ang ilan sa maikling kuwento na ito ay naging klasiko na at inaaral pa sa iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas. Narito na ilang kuwentong tungkol sa pagmamahal na likha ng mga Pilipinong manunulat.
Mga Halimbawa ng Maikling Kwento Tungkol sa Pag-ibig
Sa Bagong Paraiso (Buong Kwento)
Isa sa mga klasikong kuwento ng pag-ibig na nakamulatan ng mga Pilipino ay ang Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg. Sumasaklaw ang kuwentong ito sa isang usaping madalas nating mapanood sa mga telenobela na pag-iibigan ng mga magkababata. Nakatira sa…
Banaag At Sikat (Buong Kwento)
Isang obra maestro ng manunulat at tanggol ng wika na si Lope K. Santos ang nobelang Banaag at Sikat. Kuwento ng pag-iibigan ng isang mahirap na lalaki at mayamang babae ang iniikutan ng Banaag at Sikat. Gayunman, mas nakilala ito…
Bangkang Papel (Buong Kwento)
Ang kuwento ng pagmamahal ay hindi lamang kinatatampukan ng mga salaysay ng romansa. Maging ang mga kuwentong maituturing na klasiko na ay kinapupulutan din ng aral tungkol pagmamahal sa pamilya. Lahat ng pagmamahalan ay nakabubuo ng pamilya, nagkakaroon ng anak…
Ang Kuwento ni Mabuti (Buong Kwento)
Naging klasiko ang kuwentong ito na isinulat ni Genoveva Edroza-Matute na inaaral din ng mga estudyante sa paaralan. Bagaman sa unang mga kaganapan sa kuwento ay hindi ito mababatid na kuwento ito ng pag-ibig. Nagsasalaysay kasi ang isang mag-aaral tungkol…
Ang Alamat ng Rosas (Buong Kwento)
Maging ang mga kinagigiliwang alamat o kuwentong pinagmulan ng mga bagay ay isa rin sa mga kakikitaan ng salaysay ng pag-ibig. Karamihan sa mga alamat ay larawan ng tunay na pagmamahal at nagbubunga ang kanilang pagmamahalan ng pinagmulan ng maraming…