Katanungan
maituturing bang hakbang sa kolonyalismo ang ginawa ng bansang tsina?
Sagot 
Ang kahulugan ng kolonyalismo ay ang pagkakaroon ng isang estado o bansa ng buong kontrol sa isa pa na kadalasan ay mas maliit na bansa.
Hindi pa maitatawag na kolonyalismo ang ginawang pagsakop ng bansang Tsina sa iilang teritoryo sa ating bansang Pilipinas. Ngunit ito ay isang hakbang na maaaring humantong roon.
Ang maitatawag palang natin sa nangyaring pagsakop sa ilang teritoryo ay pag-angkin dito. Partikular na sa West Philippine Sea na kanilang ipinipilit na hanggang ngayon ay South China Sea pa rin.
Inaangkin nila ito sa paraan na itinataboy nila an gating mga mangingisda na gustong maghanapbuhay sa parting dagat roon.