Katanungan
Maituturing bang multilinngwal ang Pilipinas?
Sagot 
Maituturing na isang bansang multilingguwal ang Pilipinas sapagkat napakaraming wika ang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa mga pag-aaral, nasa 175 na wika raw ang ginagamit sa Pilipinas. Ito ay dahil pulo-pulo o magkakalayo ang ilang probinsya sa bansa at binubuo ang Pilipinas ng 7,107 na mga pulo.
Ang mga wikang ito ay kabahagi ng etnisidad ng bawat pangkat etniko. Dahil sa napakaraming wika sa Pilipinas, isa sa mga naging solusyon ay ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Sa pamamagitan nito ay nagkaroon ang isang bansa na maraming wika ng isang wika na gagamitin upang magkaroon ng ugnayan ang bawat mamamayan saan man sila galing.