Maituturing mo bang maunlad ang kabihasnan ng ating mga ninuno?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

maituturing mo bang maunlad ang kabihasnan ng ating mga ninuno?

Sagot verified answer sagot

Ang sibilisasyon o kabihasnan na pinagmulan n gating mga ninuno ay walang duda na maituturing nating maunlad.

Noong sinaunang panahon ay wala pang makabagong teknolohiya, kung hindi puro mga likas na yaman lamang at mga hilaw na materyales. Ngunit nagawa ng ating mga ninuno na mabuhay ng ligtas.

Dahil rin sa kanilang mga kultura at tradisyon noon ay nagkaroon tayo ngayon ng pagkakataon na linangin at mas paunlarin ang mga ito.

Halimbawa nalang ay ang pangangaso. Noon pa man ay isa na itong paraan ng pamumuhay na hanggang ngayon ay marami pa rin sa atin ang ginagawa ito at ginagamit rin natin sa pagsasaka at agrikultura.