Makapal ang palad paggamit sa pangungusap?

Katanungan

makapal ang palad paggamit sa pangungusap?

Sagot verified answer sagot

Ang salitang makapal ang palad ay isang halimbawa ng idyoma o sawikain na kung saan ang tiyak na kahulugan nito ay hindi inilalahad ng lantaran. Isa sa halimbawa nito ang makapal ang palad na ang ibig sabihin ay masipag.

Ito ay maaaring gamitin sa pangungusap gaya ng mga sumusunod:

1.) ang aking ina ay araw at gabing kumakayod para sa aming kinabukasan kung kaya makapal ang kanyang palad.

2.) Bata pa lamang si Juan ay tumutulong na siya sa kanyang mga magulang. Kung kaya siya ay makapal ang palad.

3.) Makapal ang palad ng mga magulang sapagkat sinisikap nilang makapagtrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.