Makatarungan ba ang ginawang pagpatay sa Gomburza? Bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Makatarungan ba ang ginawang pagpatay sa Gomburza? Bakit?

Sagot verified answer sagot

Makatarungan ba ang ginawang pagpatay sa Gomburza BakitAng naging pagpatay sa tatlong paring martir na Gomez, Burgos, at Zamora o Gomburza ay hindi naging patas at makatarungan.

Hindi dumaan sa maayos na paglilitis ang tatlo. Dahil sa galit na nararamdaman ng mga prayle, nakabuo na agad sila ng kanilang pasya tungkol sa magiging kapalaran ng tatlong pari na ang hangad lamang ay mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga kapuwa Pilipino.

Alam naman nating noong panahon ng mga Kastila, kung anong nais ng mga prayle ay siyang masusunod kaya kahit batid nilang wala namang sala o hindi pa lubos na napatutunayan, gumagawa na sila ng hakbang para masunod ang nais nila.