Katanungan
Makatutulong ba ang mga dayuhang kompanya upang matugunan ang suliranin sa paggawa sa ating bansa Bakit?
Sagot
Kung ako lamang ang tatanungin ay hindi ko nakikitaan ng kagandang dulot ang pagkakaroon ng mga dayuhang kompanya sa ating bansang Pilipinas.
Hindi nito matutulungan o masosolusyonan ang problema sa paggawa na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Noon pa man ay marami na sa mga Pilipino ang walang trabaho.
Ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa ay maaaring magdulot ng mas maraming kawalan ng hanapbuhay o trabaho para sa mga Pilipino.
Dahil karamihan sa mga dayuhang kompanyang ito ay mas pipiliin na magkaroon rin ng mga dayuhang empleyado. Mas kailangan magtulungan ng mga mamamayang Pilipino at ng pamahalaan upang maresolba ang suliraning paggawa ng bansa.