Malaki ang gampanin ng mga kababaihan sa…?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

malaki ang gampanin ng mga kababaihan sa…?

Sagot verified answer sagot

Malaki ang gampanin ng mga kababaihan sa pamamahay, hindi lamang sa ating kultura dito sa Pilipinas kung hindi maging na rin sa buong mundo.

Isa nga sa mga sikat na kasabihan ay ang ina ang ilaw ng tahanan. Sila ang nagbibigay kulay at liwanag sa pamilya.

Ang mga kababaihan ang may kakayahan na magdalang-tao. Sila ang nagbibigay ng bagong buhay dito sa mundong ibabaw. Malaki ang kanilang responsibilidad bilang ina.

Sila ang nagpapalaki nang maayos sa kanilang mga anak. Sinisiguro rin nila na ang tahanan o pamamahay kung saan lalaki ang kanilang mga anak ay magiging maayos, matiwasay, at mapayapa.