Katanungan
manaliksik ka ng mga katulad na epiko sa inyong bayan?
Sagot
Isa sa mga kilalang epikong pambayan ay ang pinamagatang Kudaman. Ito ay epiko na nagmula sa isla ng Palawan, isa sa mga pinakamagandang isla sa buong bansa.
Gaya ng ibang mga epiko, ang epiko na ito ay may pangunahing tauhan na siyang inilalarawan bilang malakas, matipuno, at makapangyarihan na lalaki. Kadalasan rin ay siya ang naghahari sa lugar ng kaganapan.
Sa Kudaman, ang bida ay si Tuwan Putli. Siya ay masagana at mapayapang namumuno sa kanyang lupain. Siya rin ay may masayang pamilya. Ngunit tulad rin sa ibang epiko ay ang kanyang lupain ay sumailalim sa digmaan nang may magtangkang gumambala sa kanilang maayos na pamumuhay.