Katanungan
manood ng programa sa telebisyon na nagpapakita ng tunay na karanasan ng mga tao?
Sagot
Ang Maalala Mo Kaya na mapapanood sa telebisyon ay isang programa kung saan ang mga mamamayan ay nagpapadala ng sulat kung saan mababasa ang kanilang talambuhay.
Isang partikular na episodyo ang hindi ko makakalimutan ay ang tungkol sa isang ina na naging OFW. Dahil sa kahirapan ay nagpasya siya na maghanap ng trabaho sa ibang bansa ngunit iyon pala, ang kanyang amo ay abusado.
Hindi siya nakauwi ng Pilipinas sa matagal na panahon at ang pamilya niya ay inakalang patay na rin siya dahil sa tagal na walang paramdam. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko tulad ng pighati para sa ina at kanyang pamilya at galit para sa kanyang amo.