Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik bakit?

Sagot verified answer sagot

Nakadepende sa sitwasyon ang pananahimik. Kung ikaw ay nananahimik sa mga maliliit na isyu lamang at hindi usaping karapatang pantao, pupwedeng ayos lang ito sa sitwasyon dahil ayaw mo na makisali sa mga maliliit na argumento.

Ngunit kung ito ay hinggil sa karapatang pantao at inhustisya sa paligid ay dapat ka na rin managot dahil nananatili ka lamang kibi-tbalikat sa mga nangyayari para lamang mapanatili ang iyong pansariling kapayapaan.

Dapat mayroon pakialam ang bawat isa sa mga malalaking isyung panlipunan dahil dito rin makikita ang iyong pag-uugali at paano mang-trato ng kapwa.

Kung ikaw ay patuloy sa panunuod lamang, ikaw ay sangkot din sa mga nang-aapi dahil wala kang ginagawang aksyon o panawagan.