Masamang epekto ng globalisasyon sa lipunan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

masamang epekto ng globalisasyon sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Golbalisasyon ang tumutukoy sa pag-ikot ng mga produkto at serbisyo sa buong mundo sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga bansa.

Bagamat ito ay para sa ikabubuti ng maraming mamamayan sa iba’t-ibang bansa, ito rin ay may dulot at dalang negatibong epekto tulad na lamang ng pagkalugi ng mga lokal na namumunuhan.

Dahil sa globalisasyon ay tumaas ang pagkonsumo ng mga tao sa mga produkto o serbisyong gawa sa ibang bansa na sila ay nakakalimot nang sumuporta at tumangkilik sa mga produktong gawa sa kanilang bansa.

Pumapasok din dito ang pagkawala ng pambansang pagkikilanlan. Isa pa ay nagtataas ang mga presyong bilihin dahil ang mga produkto ay nanggagaling pa sa ibang bansa.