Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan moral at kultural?

Katanungan

maunlad na yugto ng kulturang panlipunan moral at kultural?

Sagot verified answer sagot

Ang maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral, at tradisyonal o kultural ay tinatawag natin bilang isang kabihasnan.

Ito ay isang sistema ng lipunan kung saan ang mga tao ay nabibilang sa mga pangkat at may naghahari o namumuno sa kanila.

Isa sa mga sinaunang kabihasnan na sinasabing umusbong noong unang panahon ay ang mga tinatawag na River Vallet Civilizations. Kasama rito ang Kabihasnang Ehipto o Egypt, Mesopotamia, at Indus.

Matatagpuan ang mga kabihasnang ito sa may paligid ng Fertile Crescent kung saan tinatayang nagsimula ang kabuhayan ng tao dahil maraming pinagkukuhanan ng likas na yaman at mga hilaw na materyales roon.