May mga ginagawa ka na ba sa mga simpleng pamamaraan para mapabuti ang iyong kalagayang pampinansyal?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

may mga ginagawa ka na ba sa mga simpleng pamamaraan para mapabuti ang iyong kalagayang pampinansyal?

Sagot verified answer sagot

Upang makatulong kahit na sa simpleng pamamaraan para mapabuti ang aking kalagayang pampinansyal ang mga bagay na aking ginagawa ay ang pag-iimpok at paglalako.

Bilang isang mag-aaral, ang bawat baon na nagmumula sa aking mga magulang ay ginagamit ko sa mga bagay na makabuluhan lamang upang sa gayon ay maitabi ang ilan sa mga matitira.

Iniiwasan kong bumili ng mga bagay na hindi kailangan at sinisikap kong makahanap ng mga bagay na aking kailangan sa murang halaga upang maitabi ang parte ng aking pera ng sa gayon ay makaipon at makatulong sa pinansyal na usapin.

Sa kabilang banda, ang paglalako ng mga gamit na pinaglumaan na nasa maayos na estado at kapaki-pakinabang pa ay aking ginagawa upang makadagdag sa aking ipon.