Katanungan
may mga pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan?
Sagot
May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan kaya naman nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran.
Noong kapanahunan ng pananakop ng Espanya sa ating bansang Pilipinas ay nagpatupad sila ng maraming patakaran kung saan sila ay naninigil ng tinatawag na buwis sa mga mamamayang Pilipino.
Kailangan bayaran ng mga Pilipino ang mga buwis na ito sa pamahalaan ng Espanya at kung hindi nila magawa ay sila ay mapaparusahan sa ilalim ng batas ng mga Espanyol.
Upang hindi magbayad ng buwis ang ilang mga Pilipino ay pumanig at naging karamay sila ng mga Espanyol, kung saan tinutulungan nila ang mga Espanyol upang matukoy ang mga rebelde.