May naiiba ba sa pagbibigay halaga sa mga patay o yumao noong sinaunang panahon at sa kasalukuyan?

Katanungan Sagot

Katanungan

may naiiba ba sa pagbibigay halaga sa mga patay noon unang panahon at sa kasalukuyan?

Sagot verified answer sagot

Wala naman masyadong naiba dahil nananatili pa rin ang pag respeto at tradisyon na pagdalaw sa mga sementeryo pag araw ng mga patay.

Siguro noon ay mas marami lamang paniniwala ngunit napanatili pa rin naman ang esensya at mahalagang parte ng mga praktika pag araw ng mga patay.

Naging moderno lang ang paraan ng pagsasama-sama, lalo na sa inobasyon ng teknolohiya ay minsan nagkakaroon na lamang ng “online streaming” sa mga burol.

Kung sa mga sementeryo naman ay nandoon pa rin ang pagdadasal at pag iwan ng pagkain para sa mga yumaong mahal sa buhay. Bukod pa rito, napapaigting pa rin ang pagbisita kada Nobyembre at marami pa rin ang tao na pumupunta sa mga sementeryo.