Katanungan
mga ahensya ng pamahalaan na maaasahan sa panahon ng kalamidad o mga panganib ay ang sumusunod?
Sagot
Ang ating pamahalaan ay binubuo ng mga ahensya at sektor na may iba’t-ibang pangunahing tungkulin bawat isa. Sa oras ng mga natural na kalamidasd, ating maaasahan ang mga sumusunod:
NDRRMC o National Disaster and Risk Reduction Management Council ay ang siyang ahensiya na pumapatnubay sa lahat sa oras ng mga sakuna tulad ng bagyo at pagsabog ng bulkan.
PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology naman ang nagbabantay sa mga bulkan sa Pilipinas at sa mga paparating na lindol.
PAG-ASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naman ang tumitingin sa mga bagyo at malalakas na hanging maaaring pumunta sa bansa.