Mga aral at positibong impluwensiya sa loob ng pamilya?

Katanungan

mga aral at positibong impluwensiya sa loob ng pamilya?

Sagot verified answer sagot

Sa loob ng ating pamilya mismo ay may mapupulot na tayong mga aral mula sa ating mga magulang at mga kapatid. Ang mga magulang natin ay may tungkulin na patnubayan tayo.

Kaya naman sila mismo ay nagpapangaral sa atin. Una ay matututunan natin na mahalin ang bawat isang miyembro at matutong magpatawad.

Matututunan natin mula sa ating mga kapatid na maghati-hati at maging mapagbigay. Ang magandang asal rin ay itinuturo sa atin kung paano maging magalang sa mas nakakatanda at maging responsible at matulungin sa kapwa na nangangailangan. At isa pa, ang pagkakaroon ng pananamplataya sa Diyos ay ibinabahagi rin sa atin.