Maliban sa pagiging mahusay na manunulat at isa sa dinadakilang bayani ng Pilipinas, naging makulay din ang buhay pag-ibig ni Dr. Jose Rizal. Narito ang ilang babaeng kaniyang inibig.
Segunda Katigbak
Nang dalawin ni Rizal ang kaniyang kapatid na si Olympia sa Colegio dela Concordia, dito niya nakilala si Segunda. Ngunit hindi sila nagkatuluyan ni Rizal dahil nakatakda na noong ikasal ang dalaga kay Manuel Luz kahit ayaw niya. Hindi na nakapagtapat si Rizal ng pag-ibig niya sa dalaga.
Leonor Valenzuela
Nakilala naman ni Rizal si Leonor ‘Orang’ Valenzuela nang mag-aral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Ang tahanan ng mga Valenzuela ay nasa tabi ng tinutuluyan ni Rizal.
Nagkagusto si Orang kay Rizal ngunit sinabi niya mas mabuting magkaibigan na lamang sila dahil mayroong ibang Leonor na iniibig si Rizal noon.
Leonor Rivera
Kababata at malayong pinsan umano ni Rizal si Leonor. Hindi raw nila gusto ang isa’t isa noong mga bata sila ngunit natutuhan nang ibigin ni Rizal si Leonor nang magdalaga at magbinata sila.
Nang umusbong ang pangalan ni Rizal bilang manunulat, at nagpabalik-balik sa loob at labas ng bansa dahil sa paghahanap ng mga Kastila, tumutol na ang mga magulang ni Leonor sa relasyon nila at ipinakasal siya kay Henry Kipping.
Josephine Bracken
Nagbunga ang pagmamahalan nina Rizal at Josephine Bracken kahit na marami ang nagdududa sa kaniyang tunay na intensiyon kay Rizal. Kahit tutol ang mga magulang ni Josephine, natuloy ang pag-iibigan nila at nabuntis si Josephine ngunit nalaglag ito.
More On Rizal
- Jose Rizal: 20 Facts And Trivia
- Ano Ang Batas Rizal
- Bakit Isinulat Ni Rizal Ang Noli Me Tangere?
- Talambuhay Ni Jose Rizal