Katanungan
mga batas na ipinatupad sa patakarang pasipikasyon?
Sagot
Ito ay ang mga batas na: batas Sedisyon, batas Brigandage, at batas Rekonsentrasyon. Ang batas sedisyon ay ang pagbabawal sa laban ng mga Pilipino sa Amerikano, kahit anong sulatin ay bawal o kaya hinggil sa kalayaan ng mga Pilipino.
Ang batas brigandage ay pagbabawal naman sa pagsali ng armadong pakikibaka ng mga Pilipino laban sa Amerikano. Halimbawa na lamang ng pagsali sa Katipunan.
At batas rekonsentrasyon ay pagpapatawag sa mamamayang Pilipino sa SONA at kung sino ang tumuligsa o maghimagsik sa mga Amerikano ay tatawaging bandido o tulisan ng mga banyaga. Lahat ng ito ay mga mapanupil na batas para hindi maghimagsik ang mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano.