Katanungan
mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
Sagot
Replektibong sanaysay ang tawag sa isang uri ng lathalain kung saan ang manunulat ay nagbabahagi ng kanyang natutunan tungkol sa kanyang binasa o kung ano man ang paksa ng kanyang sanaysay.
Isa sa dapat bigyan ng kahulugan sa isang replektibong sanaysay ay ang pagiging tapat o totoo ng may akda. Dahil ito nga ay replektibo, ito dapat ay tunay na sumasalamin sa kalooban at kaisipan ng manunulat.
Iba pang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng isang replektibong sanaysay ay dapat ito ay konektado sa paksa o sa tema. Sa gayon, mas maiintidihan ito ng mambabasa. Dapat rin ay may matututunan o mapulot na aral ang sinumang magbabasa nito.